Thursday, December 1, 2016

" ANG PAG-IBIG "




 
             Ano ang pag-ibig?Ito ba ay damdaming ihahandog o ibibigay sa taong naghahandog din ng pag-ibig?Tumingin ka at magmasid sa kapaligiran at damhin ang hatid ng pag-ibig na nakaaakit at nakapag-uugnay sa sangkatauhan.

            Sadyang ang pag-ibig ay walang pinipili.Sa pagsilang pa lang ng sanggol ay nakadadama na siya ng init ng pag-ibig mula sa puso ng ina at ama;gayundin sila sa mahal na anak.Sa damdaming ito ay walang pinipili anuman ang kalagayan sa buhay ng bawat isa na tulad din ng Panginoon ay naghahandog ng pag-ibig para sa kaligtasan ng lahat.Sa pag-ibig nagkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan sapagkat nawawala ang inggit at masamang hangaring nagiging ugat ng di-pagkakaunawaan ng bawat isa.


             Ikaw,nais mo bang ang iyong puso ay makadama ng bagabag at pag-aalala?Maaaring hindi.Kung gayon,halina't buksan natin at ihasik ang pag-ibig na nagdudlot ng kabutihan sa sarili at sa lahat.
           
              MABUHAY!








4 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mahirap lng kami atty.F.kaya napag isipan ko na magporsige sa pag aaral,kasi kng hindi nasaan kaya ako ngayon.Maraming Salamat Atty.marunong na ako sa blog salamat sa inyong dalawa ni atty.M.

      Delete
  2. Wow! Keep it up Sir Colly. May the good Lord guides you all the way :)

    ReplyDelete