Monday, December 5, 2016

HAWAK-KAMAY SA PAGTULONG


                                              





  





                        Kalat dito!Kalat doon!Kahit saan natin tingnan mga basura'y nanyan.Tapon nang tapon kahit saan,walang pakialam kung ano ang magiging dahilan nito sa ating kapaligiran at kalikasan.

                      Araw-araw tayo'y pumapasok sa iisang paaralan.Pangalawang tahanan natin kung tatawagin.Pero tayo mismo ang sumisira, nagtatapon, nagkakalat ng sarili nating basura dito sa ating pinakamamahal na paaralan.Tingnan mo ngayon ang bawat kanto ng ating paaralan,kahit na nakatayo pa ang basurahan ikinakalat mo pa rin ang basura,anong klase kang estudyante?Ngayon gawin mo kung ano ang dapat.Pulutin mo ang basurangiyan kahit di naman sa iyo.Isipin mong bahay mo rin ito.Panatilihin natin ang kalinisan at kagandahan ng ating pangalawang tahanan

                     Kaya isipin mong mabuti upang ikaw ay tawaging isang modelo at huwarang mag-aaral na makikitang may disiplina sa sarili mong tahanan. 


2 comments:

  1. Tama po kayo Sir Colly! Disiplina ay kailangan sa bawat isa and we should never stop reminding our pupils and students:)

    ReplyDelete