Ang kapalaran ng tao ay sadyang napakalupit.Tadhana kaya ito sa bawat nilalang?O di kaya'y isang daan na siyang tatahakin ng bawat isa dito sa mundong ating ginagalawan.
Subaybayan natin ang isang maikling kwento sa batang ito,na hindi kapani-paniwala na marating niya ang toktok ng nagwawagayway na tagupay.
Nang maliit pa ang batang ito naranasan na niya ang pagiging masakitin na kung saan malapit na siyang mamatay dahil sa isang sakit ngunit nag-alala ang kanyang mga magulang na mabuhay pa ito,kaya dinala sa doktor upang ipagamot kahit kapos sa perang pambayad sa ospital.Ang mga pagsubok sa buhay ng bata ay napakalupit.Di naglaon ang bata ay nag-aaral na ng elementarya unang baitang hanggang ikatlong baitang ay nakamit niya ang karangalang second honors ngunit isang napakalungkot na pangyayari sa buhay ng mawala na ang kanyang mga magulang dahil kinuha na sila sa Diyos na Siyang Lumikha.Sa pagkakataong ito ang murang isipan ng bata ay wala pang kamuwang-muwang dito sa mundo.Lumalaki ang bata sa piling na kanilang nakakatandang kapatid.Siya'y nakapagtapos sa pag-aaral sa elementarya na nanatili pa rin ang second honors na ang mga medalya at rebbon na kanyang natanggap ay inialay niya sa namatay niyang mga magulang.
Lumalaki nang lumalaki na ang bata na umaasa pa ring makapasok at makapag-aral sa sekundarya ngunit hindi sumang-ayon at sumabay ang takbo ng panahon dahil ayaw na ng kapatid niya na mag-aral pa.Pumunta ang bata sa probinsiya sa kapatid ng kanyang ina upang humingi ng tulong na papaaralin siya,kahit na mahirap ang tiyuhin niya sumang-ayon pa rin ito ngunit kinakailangan lang daw na tumulong rin ang bata sa gawaing pagsasaka.
Sinimulan na niya ang mga gawaing pagsasaka,naranasan niya ang hapdi at kirot ng init ng araw na dumadampi sa kanyang mala sibuyas na balat.Binaliwala niya ang mga pagsubok na ito na siyang unang hakbang sa paghawak niya sa isang napakadulas na tagumpay.Hirap,pagod,lungkot at iyak kasama pa ang pawis at sipon sa kanyang mga pangarap na di niya alam kung kailan at saan ibibigay ng tadhana.Hanggang sa napag-isipan niyang umiwi muna sa kanyang kapatid na sa makalawa pa ay sinabihang siya ang magpapaaral sa batang iyon ngunit laking lungkot ang nadarama sa bata dahil narinig niya na wala dawng pera pangtostos sa kanyang pag-aaral,lumuhod siyang nagmamakaawa sa kapatid pero walang-wala rin ito.hindi siya mapakali hindi rin alam kung ano ang kanyang gagawin hanggang sa kanyang paglalakad narating niya ang tabing-ilog at napapansin niya ang mga magagandang mga paruparo na masasayang nagliliparan at dumadapo sa mga bulaklak at sinisipsip ang katas nito,napansin rin niya ang magandang-araw sa dapit hapon na papalubog na sa matataas at matitirik na bundog.Habang nag-iisip at nag-iisa naaalala niya pa rin ang mga magulang at unti-unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at nagsasabing bakit ganito ang kanyang nararanasan ano ba ang kanyang pagkukulang iyak nang iyak habang nag-iisa na wala namang masusumbungan.
Isang napakagandang hapon sa bahay ng bata siya rin ay walang kupas na pag-iyak hanggang sa nadaanan siya sa isang napakabait na punong-guro sa kanilang nayon at nagtanong kung bakit ano ang nangyari?.Matagal-tagal siyang nakatitig sa gurong iyon at nakita niya ang unti-unting liwanag sa mapanglaw na lugar.Sinabi niyang lahat ang mga pangyayari at tumawa ang guro at nagsabing sige sumama ka at mag-aral ka,nang marinig ng bata iyon hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya dali-dali siyang sumama.
Araw ng pasukan siya ay nasa ikatlong taon na ng sekundatya at sa isang prebadong paaralan pa siya nag-aaral.Sa simula medyo maganda pa ang kanyang mga gawain sa bahay,magdidilig ng mga halaman,magwawalis sa tahanan,magbubunot sa sahig at maglilinis tapos maligo't kumain bago pumunta sa paaralan.Iyon ang mumunti kung trabaho hanggang sa,ang mga trabahanti sa baboyan ay nagsialisan kaya siya ang pumapalit sa gawaing iyon na magpapakain sa mga baboy at maglilinis sa dumi at ihi nito,hanggang sa aabot na ang panahon na nagka an-an at aliponga ang kanyang talampakan na halos ayaw ng mayapak sa lupa,pero binaliwala niya iyon para lang makatapos sa sekundarya.
Ayaw na niya ang trabahong iyon kasi tapos na siya sa sekundarya pumunta siya sa kanyang tagapayo upang humingi ng tulong kung saan makapasok sa kolohiyo kaya hindi nasayang ang pagod niya sinamahan siya sa isang bantog at sikat na paaralan.Doon kumuha siya ng intrance test para matanggap bilang working scholar at doon nakapasa siya.Pinagtibay niya ang kanyang pananalig sa Diyos na siyang Kanyang gabay.Trabaho niya sa paaralan ay magbubunot ng tatlong silid-aral tuwing mag-aalas singko ng umaga.Wala na siyang problema sa matrikula kasi bayad na,ang problema ay ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan kaya gumawa siya ng diskarte sa buhay.Nililinisan niya ang mga tanggapan ng mga department heads binayaran naman siya at iyon ang gagastusin niya sa bigas ulam at iba pa.Tuwing sabado umuwi siya sa pribinsiya upang humingi ng tulong sa kapatid at pagbalik niya dala-dala na ang saging,camote kamotingkahoy at mga gulay.Niluluto niya iyon at ibinahagi pa sa ibang mga kasamahan na walang-wala rin.Walang ano-anong inaatupag kungdi ang trabaho at pag-aaral dahil may gradong binabatayan hindi mababagsak sa ninty kinakailangan ninty pataas.kaya uhaw na uhaw sa mga gala-gala.Hanggang sa kanyang pagtatapos iginawad ng paaralang De La Salle ang sertipikong katikista at magandang demonstrador sa filipino.Ang bata o ang taong ito na taas noo niyang ibinahagi ang kanyang mga karanasan sa pag-aaral.ay walang iba kundi si Ginoong Colly P.Pacho,sa kasalukuyan siya'y nagtuturo sa sikat at bantog na paaralan ng Lyceun de San Sebastian at nakakuha na ng tatlongput dalawang yunit sa major sa Filipino at part-time na guro sa filipino sa Cebu Technological University-Danao City,Cebu.
Kaya aking mga minamahal na mga mag-aaral huwag susuko hahanap ng paraan at dalangin sa Poong Maykapal at isaisip ang kasabihang ito,"Ang Kahirapan ay Hindi Hadlang sa Isang Tagumpay."MABUHAY!!!!
No comments:
Post a Comment